Paano maihanda ang lupang tataniman
Sobrang importante ng lupa sa ating pamumuhay lalo na at dito kinukuha ang ating mga ibang pangangailan tulad ng mga gulay at prutas. Ang pag tatanim din ay nakakatulong sa atin di lng sa mga tao kundi pati sa kalikasan.Paano nga ba tayo makakapag tanim? Paano ngaba mag pataba ng lupa? Ngayon ay ibabahagi ko ang ilan sa mga dapat gawin para mag karoon ng malusog at magandang lupang tataniman. 1. Linisin ang lupang taniman – Alisin ang mga kalat na makasasagabal sa pagtubo ng mga pananim tulad ng bato, bote, lata at iba pang di nabubulok na bagay. 2. Sukatin at tulusan ang apat na sulok ng gagawing kamang taniman 3. Talian ng pisi paikot ang apat na tulos upang makatulong ang kamang gagawin. 4. Sa pamamagitan ng asarol o palang tinidor, bungkalin ang lupa 5. Lagyan ng pataba ang lupa. Palhin at huluing mabuti hanggang bumuhaghag mapino ang lupa. 6. Gumamit ng kalaykay upang lalong mapino at mapatag ang lupa. 7. Diligin ang naihandang lupa 8. Ulitin ang mga ...